Skip to main content

Posts

Showing posts from 2022

Ang Kanin, Toge, at Lumpia. Kailan Ulit Kaya?

  Pepsi-Cola Products Philippines, Inc. Southern Tagalog Region Operations (PCPPI STRO) 1 October 2020 "Half rice po. Dalawa po nito *turo sa shanghai* at saka po half na toge." I can still remember my very first meal in PCPPI STRO. 1 October 2020. It was the orientation scheduled for the newly hired employees. Syempre, I was alone kasi wala naman akong kakilala pa doon. I made sure that I ordered veggies and dapat may meat pa rin kasi tumatak sa isip ko noong isang beses na gulay at kanin lang ang kinakain ko for dinner and my cousin asked me "Anong protein mo?!" LOL so I always order meat and gulay whenever nasa labas ako ng bahay. When I sat down, I prayed over my food for God's blessing and then I messaged my parents na lunchtime na. Then I cried. Discreetly, of course LOL I cried because I wanted to go home already. Sabi ko ayoko nang lumayo pala. It was the very first time kasi na tumira ako nang hindi sa bahay na kinagisnan ko. I was really, really homesi

Kailan Ba?

Physical Sciences Building, UPLB Kasabay ng paglipas ng galit at sakit Ang s'ya ring paglisan ng pagsintang mainit. {CXC | 062922}

Uwiang Maulan

Olivarez Plaza, Los baños, Laguna, Ph. 062622 1828H   Ang labo naman. Parang tayo lang. Pambihira. {CXC | 062922}

Thank You, I Love You

To the man who responds               "I love you" Instead of "You're welcome" t o my "Thank you" . . .                   I love you more,                                   always in all ways. Love, J

Flaws in Perfection

Every dot, every freckle. A stray hair, a wrinkle. Attributes singled out Or in a weird combination. Every flaw adds to your perfection. {CXC | 060622}

Walong buwan na ang nagdaan Nang ang isa't isa'y matagpuan. Nagkapakiramdaman, Iba na pala ang tinginan, Salitaang may laman. Minsan masaya, minsan magulo. Minsa'y kailangan manuyo. May sigawan man o tampo, Nakararaos kahit papaano, Palagi pa ring kuntento. Sabi nila'y "H'wag ka-seryoso, Iilang buwan pa lamang kayo. Madali pa ang mga ito Kumpara sa relasyong totoo." Ngunit sinong may sabing 'di tunay 'to? Kahit na anong iksi Hindi masasabing madali Ang magtiwala at mamili Na dito ay manatili Subalit dito'y walang pagsisisi. Kaya't laging ang sagot Sa tanong na nahahakot "Hindi man tiyak ang aking madampot Asahan mong wala akong takot Dahil sya lang ang pumapawi ng aking lungkot." Tulad ng lagi mong sabi, Mahal din kita palagi. Habang ikaw pa ang nandito, Mahal kitang totoo. Hanggang sa dulo, ako'y sa'yo. {CXC P4 | 052722 | 2126H}

Para Kay Pido, Part 3

Malalim na ang sisid Tahimik ang paligid Umaga na ngunit Dilim ay di pa rin punit Sana'y kayang hilumin Ng kape ang damdamin Na lubhang nasasaktan At tila walang masandalan. Sana'y mayakap ka Kahit malayo ka pa Madarama kaya ang halik Pag-asa ba'y manunumbalik? {CXC | 050322 0712H}

PITO

Ika-pitong segundo Mula nang pumasok ka sa buhay ko, Hagikgikang maigi Kwentuha't mga padali. Ika-pitong minuto Mula nang pumasok ka sa buhay ko, Iba-ibang katuwaan Sari-sari ang napag-usapan. Ika-pitong oras Mula nang ang pinto ko'y magbukas Yakap ay mahigpit Walang bumibitaw sa kapit. Ika-pitong araw Mula nang ikaw ay dumalaw Ikaw ang gumabay Habang ako'y malungkot at matamlay. Ika-pitong linggo Mula nang ating matanto Na tunay na ang damdamin Ikaw lang ang nais kapiling. Ika-pitong buwan Mula nang magmahalan May di man maiwasang sakit Yakap pari'y mahigpit. Ika-pitong taon Mula nang ako'y matunton Siguradong ikaw parin Ang laging mamahalin Ika-pitong susunod na buhay Simula nang hapong tumagay Pipiliin lagi ay ikaw Sayo laging nakatanaw. Hanggang pitong salinlahi, Hinding-hindi mapapawi Pitong libong pag-ibig Hinding-hindi padadaig. {CXC | c2140.092721 }

Kumpas

Lirikong di tapos Notang kapos Tiempong palyado Tonong sintunado. Pagsintang nabitin Sino ang salarin? Pag-ibig na kinulang Pusong nag-aabang. Salitang matalas Bintang na wagas Di matutong magbago Palaging nagtatago. Sikretong mabubunyag Kamay na maluwag Pangakong hinangin Naglahong pagtingin. {240422 | CXC}

Para Kay Pido, Part 2

Yayakapin kang palagi sa twina Hindi dahil sa ginaw Kundi dahil araw-araw Ikaw lang ang laging sinisinta. Halik ang laging pasalubong Sa mga pisngi mo Hindi lang dahil gusto ko Kundi sa pag-asang sa altar hahantong. Palaging sasambiting mahal ka Hindi dahil nasanay Kundi para ialay Ang pag-ibig na iyo talaga. -J

Palagi

Minamahal kita sa paraang alam kong tama Pero kung may suhestiyon ka'y wag mahiyang magsalita At gagawan ko ng paraan Dahil kapag sayo, lahat na ay malinaw Sa daang madilim, ikaw lagi ang ilaw Sa mundong magulo, ikaw lang ang kalmado. At sa buhay na duda ang naghahari May isang ikaw na parating nagsasabi Na anuman ang mangyari'y Nand'yan ka palagi. {022422 | For 032722 6th | CXC}

A Confession of Emotions

Weary and wary Dying of crying Try, deny Lies and goodbyes. Tactful yet hurtful Fed-up of catching up Saddened, hardened Half-hearted, nothing imparted Broken and stolen Nailed, impaled. Unnoticed, abolished Killed then sealed Not of kisses nor embraces Shockingly, surprisingly, But of silence and absence. Lacking resilience Untrusting. No healing. Bother to hover Over security and clarity Or gather whatever Is left for the theft? Churn the taciturn. Scare the unaware. Cling to the forgiving. Favor the requestor. Boast your fervor, Roasted in terror.

The Colors You Bring

You're purple-orange skies, The twinkle in my eyes, The fluffiest whipped cream, The happiest sunbeam. You're the warmth of a campfire, The cool breeze we desire. You're the sweetest treat, The most-awaited summer heat. My only red in Valentine's. My only gold in Christmas. The only green twigs and twine For every season of mine. {021722 | 2146 | CXC}

Fed-Up = FU's

If I die, then nobody's upset at anybody anymore. It's funny how inlove you could be at one moment, and so cold at the next. No, this is not a story of betrayal or dishonesty. It's about prisons and cages and insensitivity. {222 | CXC}
Kahit ilang milya ang layo sa'yo Kahit gaano kasaya sa ibang dako Ikaw pa rin ang tanging uuwian Sa'yo lang habambuhay mananahan. {N21 | CXC}

Day 1

You are giving your all as you slowly fall out of love with shattered soul. You tend to analyze the shots you call and look for answers which don't exist at all.

Pabaon...

Sa dinami-rami na ng dumaan           At sa ilan pang darating Ikaw ang higit na matimbang           Ang sa huli'y nais kapiling. {120621 | 0120 | CXC}

TAHANAN

Nang ika'y matagpuan "Tayo" ang naging libangan, Sarili ko'y hinayaang Sayo'y may maramdaman. Binigyang kahulugan At saka kinulayan Buhay na tampulan Ng mga kamalasan. Siyang naging sumbungan Tinatanging sumpungan Nag-iisang takbuhan Laging nariyan. Pamilya, kaibigan Kahit saan, kahit kailan Nililiyag na kasintahan Bukod tanging tahanan. {122621 | 2002 | CXC}

PARA KAY PIDO

Una palang naramdaman ko na Isang tingin ko palang tunay nang nabasa: Ikaw ang hantungan at pupuntahan Ng puso kong ligaw na matagal walang nanahan. At isang araw, dumating ka na nga Naulit bukas at mga gabing sumunod pa Ako ay humanga din nga naman Pilitin mang pigilan ay lalong nasundan. Lumalim nang lumalim ang pagsinta Hindi natin namalayang nagtatagal na pala Ang dating mga lihim ay nakaya nang banggitin Mga plano at pasya'y nagsimula nang buuin Inilahad ang mga bilin at pangako Na walang kakalas sa pinasok nating ito Ang totoong damdami'y pilit tinanto Inusisang mabuti, tunay na sinigurado Sa harap ng Diyos at ng mga tao Akong nangako nang buong puso Na walang kahit na ano o sino Ang makapaghihiwalay sa akin mula sa'yo Ngunit kung Maykapal na ang s'yang magpasya Na tayong dalawa ay maghiwalay na Sa langit ay hahanapin parin kita At doon muling susubok nang magkasama Ngunit habang naandito ka pa Hayaan mo lang na mahalin kita Dahil kung aalisin ang mga walang kasig