Dito magsimula kung saan nawala Ang bawat takot at mga pangamba. Dito magsimula kung saan natapos Ang dalamhating mula sa pagkakagapos. Dito mag-umpisa kung saan nagwakas Ang matatalim na salitang parating nabibigkas. Dito mag-umpisa kung saan naputol Ang mga pagdududa at maling hatol. Ngayon na nga natapos ang paghihikahos Kung kailan inumpisahang ako'y isaalang-alang Ngayon na nga nawala ang pagtataka Nang ako ay iyong lingunin at saka kinilala. At ngayon ay sigurado nang ang dulo Ang magiging hudyat ng pagbabago. At ang pinakatatanging umpisa Ay katapusan na ng pagdurusa. [080321 | 0327]
Comments
Post a Comment