Skip to main content

Posts

Showing posts with the label sakit

ISANG MALAKING BIRO

Sa araw-araw na tayo'y magkasama Isang libo't isang daang pangako't salita Sa bawat pagbigkas ng labi mong matatas Ay kaakibat ang pag-usbong ng pag-asa ko pataas. Habang tumatagal ay naiipon na Ang mga sinabi mong gagawin natin tuwina. Ngunit ilan sa mga iyon ang natupad mo na? 'Sindami ng buto ngunit sa daliri'y bilang na. "Ako'y laging nand'yan" ang madalas mong sambit Ngunit bakit laging may paumanhing nakasabit? Bakit sa tuwing sinasabing handa ka nang makinig Sa atensyon mo pari'y laging may kahati? Patawad kung ngayon ako'y nanlalamig Nawala na ang dating mainit na pag-ibig Ang inakala ko kasing matamis na himig Ay isa na palang pagsintang sa luha'y tigib. Kung maaari lang na ako'y umatras Sa relasyong itong nakasisira ng lakas. Ngunit diba ito ay hindi lamang isang larong marahas Kundi isang pagmamahalang kailangan ng simpatiya at oras. Tama pa bang manatili ako rito? Masaya pa nga ba ako o guni-gun...

Bagong Umaga

Isang araw nang ako'y magising Mula sa pagtulog na mahimbing Alam kong ika'y tahimik pa ring Kunwari'y nagmamahal pa sa'kin. Bumaling ako't humarap sa'yo Tinitigan kita't sinaulo Sa pagkurap ng mga mata ko'y Biglang nabuhay ang diwa mo. Matagal, malalim, walang maliw Sa'ting tingina'y walang bumali. Aking napagmasdan at nasuri Na sa mata mo'y wala nang aliw. Gusto ko nang bumango't tumayo Mula sa pagkakahigang ito. Sobra nang lahat ng sakripisyo. Ano ba't ngayon lang napagtanto? Ngunit kasabay ng aking bwelo Ay ang pagkapit mo sa kamay ko. Tila mas lumalim ang tingin mo Sa aking mata at pagkatao. Hinila mo akong pabalik Kahit pa ayoko nang lumapit. Sa pisngi ko'y pinilit humalik. Ulo'y sa balikat ko dinikit. Mga mata ko'y aking 'pinikit Inalala ko ang bawat saglit No'ng ang mga yakap pa'y mainit At hindi nalang yung tipong pilit. Subalit ang ...