Skip to main content

ISANG MALAKING BIRO

Sa araw-araw na tayo'y magkasama
Isang libo't isang daang pangako't salita
Sa bawat pagbigkas ng labi mong matatas
Ay kaakibat ang pag-usbong ng pag-asa ko pataas.

Habang tumatagal ay naiipon na
Ang mga sinabi mong gagawin natin tuwina.
Ngunit ilan sa mga iyon ang natupad mo na?
'Sindami ng buto ngunit sa daliri'y bilang na.

"Ako'y laging nand'yan" ang madalas mong sambit
Ngunit bakit laging may paumanhing nakasabit?
Bakit sa tuwing sinasabing handa ka nang makinig
Sa atensyon mo pari'y laging may kahati?

Patawad kung ngayon ako'y nanlalamig
Nawala na ang dating mainit na pag-ibig
Ang inakala ko kasing matamis na himig
Ay isa na palang pagsintang sa luha'y tigib.

Kung maaari lang na ako'y umatras
Sa relasyong itong nakasisira ng lakas.
Ngunit diba ito ay hindi lamang isang larong marahas
Kundi isang pagmamahalang kailangan ng simpatiya at oras.

Tama pa bang manatili ako rito?
Masaya pa nga ba ako o guni-guni ko na lamang ito?
Kailan kaya darating sa'kin ang sayang totoo
At lulubayan ng isang malaking biro?

(10/17)

Comments

Popular posts from this blog

HI SWEETHEART! I am really really sorry if I have not been able to publish new posts for a few days already.  If you want to read some of my works, you can go to my Wattpad page.  Just click on the "Wattpad" button at the top of this blog or you can go to this link:  https://www.wattpad.com/user/AngelAmoranto . Thank you! Happy reading, ka-journey! *hugs*

SIGAW NG ISANG MILENYAL: HALINA'T PAKINGGAN!

A reminder from "us" to our parents. . . We appreciate what you do for us but please be sensitive enough to our emotions.  We know that almost every single thing you do is for our own good but TRUST US (yep, that won't hurt sometimes, will it?), like you, we also get hurt, tired, and burdened.  We also get hot-headed due to our OWN PERSONAL PROBLEMS.  And unfortunately, we also have hormonal imbalances.  IN SHORT, WE HAVE THIS THING CALLED "FEELINGS". Recall those times when you ask us to understand you whenever you're in the middle of those circumstances I mentioned earlier and consequently, you just expect us to be considerate enough to adjust to your needs and demands that somehow require us to exert extra effort, in one way or another. HONESTLY, WE DON'T HAVE A PROBLEM WITH THAT, NOT EVEN A TEENY, TINY ONE.  What we're trying to say is that we, including you and the whole mankind, can only imagine what other people are thinking and fe...

Pabaon...

Sa dinami-rami na ng dumaan           At sa ilan pang darating Ikaw ang higit na matimbang           Ang sa huli'y nais kapiling. {120621 | 0120 | CXC}