Skip to main content

Para Kay Pido, Part 2

Yayakapin kang palagi sa twina
Hindi dahil sa ginaw
Kundi dahil araw-araw
Ikaw lang ang laging sinisinta.

Halik ang laging pasalubong
Sa mga pisngi mo
Hindi lang dahil gusto ko
Kundi sa pag-asang sa altar hahantong.

Palaging sasambiting mahal ka
Hindi dahil nasanay
Kundi para ialay
Ang pag-ibig na iyo talaga.


-J

Comments

Popular posts from this blog

Pabaon...

Sa dinami-rami na ng dumaan           At sa ilan pang darating Ikaw ang higit na matimbang           Ang sa huli'y nais kapiling. {120621 | 0120 | CXC}

AUTUMN

Yellow leaf, orange, and gold Now is weak, once was bold Suddenly brittle, suddenly old Unwanted and failing No more waiting No more, no mas, not anymore No more, nada , now is falling Once was patient, finally got tired Of trying to hold on, of trying to stay wired.

Para Kay Pido, Part 3

Malalim na ang sisid Tahimik ang paligid Umaga na ngunit Dilim ay di pa rin punit Sana'y kayang hilumin Ng kape ang damdamin Na lubhang nasasaktan At tila walang masandalan. Sana'y mayakap ka Kahit malayo ka pa Madarama kaya ang halik Pag-asa ba'y manunumbalik? {CXC | 050322 0712H}