Lirikong di tapos
Notang kapos
Tiempong palyado
Tonong sintunado.
Pagsintang nabitin
Sino ang salarin?
Pag-ibig na kinulang
Pusong nag-aabang.
Salitang matalas
Bintang na wagas
Di matutong magbago
Palaging nagtatago.
Sikretong mabubunyag
Kamay na maluwag
Pangakong hinangin
Naglahong pagtingin.
{240422 | CXC}
Comments
Post a Comment