Skip to main content

PITO

Ika-pitong segundo

Mula nang pumasok ka sa buhay ko,

Hagikgikang maigi

Kwentuha't mga padali.


Ika-pitong minuto

Mula nang pumasok ka sa buhay ko,

Iba-ibang katuwaan

Sari-sari ang napag-usapan.


Ika-pitong oras

Mula nang ang pinto ko'y magbukas

Yakap ay mahigpit

Walang bumibitaw sa kapit.


Ika-pitong araw

Mula nang ikaw ay dumalaw

Ikaw ang gumabay

Habang ako'y malungkot at matamlay.


Ika-pitong linggo

Mula nang ating matanto

Na tunay na ang damdamin

Ikaw lang ang nais kapiling.


Ika-pitong buwan

Mula nang magmahalan

May di man maiwasang sakit

Yakap pari'y mahigpit.


Ika-pitong taon

Mula nang ako'y matunton

Siguradong ikaw parin

Ang laging mamahalin


Ika-pitong susunod na buhay

Simula nang hapong tumagay

Pipiliin lagi ay ikaw

Sayo laging nakatanaw.


Hanggang pitong salinlahi,

Hinding-hindi mapapawi

Pitong libong pag-ibig

Hinding-hindi padadaig.


{CXC | c2140.092721 }

Comments

Popular posts from this blog

Una, Ngayon, at Wakas

Dito magsimula kung saan nawala Ang bawat takot at mga pangamba. Dito magsimula kung saan natapos Ang dalamhating mula sa pagkakagapos. Dito mag-umpisa kung saan nagwakas Ang matatalim na salitang parating nabibigkas. Dito mag-umpisa kung saan naputol Ang mga pagdududa at maling hatol. Ngayon na nga natapos ang paghihikahos Kung kailan inumpisahang ako'y isaalang-alang Ngayon na nga nawala ang pagtataka Nang ako ay iyong lingunin at saka kinilala. At ngayon ay sigurado nang ang dulo Ang magiging hudyat ng pagbabago. At ang pinakatatanging umpisa Ay katapusan na ng pagdurusa. [080321  |  0327]

SIGAW NG ISANG MILENYAL: HALINA'T PAKINGGAN!

A reminder from "us" to our parents. . . We appreciate what you do for us but please be sensitive enough to our emotions.  We know that almost every single thing you do is for our own good but TRUST US (yep, that won't hurt sometimes, will it?), like you, we also get hurt, tired, and burdened.  We also get hot-headed due to our OWN PERSONAL PROBLEMS.  And unfortunately, we also have hormonal imbalances.  IN SHORT, WE HAVE THIS THING CALLED "FEELINGS". Recall those times when you ask us to understand you whenever you're in the middle of those circumstances I mentioned earlier and consequently, you just expect us to be considerate enough to adjust to your needs and demands that somehow require us to exert extra effort, in one way or another. HONESTLY, WE DON'T HAVE A PROBLEM WITH THAT, NOT EVEN A TEENY, TINY ONE.  What we're trying to say is that we, including you and the whole mankind, can only imagine what other people are thinking and fe...

Tanging Pakiusap

Iibigin kang palaging Tunay at tapat, Obra maestrang tabing 'Yong aking ilalapat. Patutunguhan ma'y hindi sigurado, Aabante pa rin patungo sa iyo. Rurok man ng hirap ang ika'y matanto, Aantayin kong magpanagpo tayo. Susuungin ko ang lahat, Araw man o gabi. 'Yong gantimpala ba'y sapat? Oras lang ang magsasabi. Kahit sandali, ako ay lingunin Ibig ko lamang na iyong damhin. Kunwari man lang sanang puso ko'y pansinin O di kaya nama'y sadyang totohanin.