Nang ika'y matagpuan
"Tayo" ang naging libangan,
Sarili ko'y hinayaang
Sayo'y may maramdaman.
Binigyang kahulugan
At saka kinulayan
Buhay na tampulan
Ng mga kamalasan.
Siyang naging sumbungan
Tinatanging sumpungan
Nag-iisang takbuhan
Laging nariyan.
Pamilya, kaibigan
Kahit saan, kahit kailan
Nililiyag na kasintahan
Bukod tanging tahanan.
{122621 | 2002 | CXC}
Comments
Post a Comment