Skip to main content

Posts

TAHANAN

Nang ika'y matagpuan "Tayo" ang naging libangan, Sarili ko'y hinayaang Sayo'y may maramdaman. Binigyang kahulugan At saka kinulayan Buhay na tampulan Ng mga kamalasan. Siyang naging sumbungan Tinatanging sumpungan Nag-iisang takbuhan Laging nariyan. Pamilya, kaibigan Kahit saan, kahit kailan Nililiyag na kasintahan Bukod tanging tahanan. {122621 | 2002 | CXC}

PARA KAY PIDO

Una palang naramdaman ko na Isang tingin ko palang tunay nang nabasa: Ikaw ang hantungan at pupuntahan Ng puso kong ligaw na matagal walang nanahan. At isang araw, dumating ka na nga Naulit bukas at mga gabing sumunod pa Ako ay humanga din nga naman Pilitin mang pigilan ay lalong nasundan. Lumalim nang lumalim ang pagsinta Hindi natin namalayang nagtatagal na pala Ang dating mga lihim ay nakaya nang banggitin Mga plano at pasya'y nagsimula nang buuin Inilahad ang mga bilin at pangako Na walang kakalas sa pinasok nating ito Ang totoong damdami'y pilit tinanto Inusisang mabuti, tunay na sinigurado Sa harap ng Diyos at ng mga tao Akong nangako nang buong puso Na walang kahit na ano o sino Ang makapaghihiwalay sa akin mula sa'yo Ngunit kung Maykapal na ang s'yang magpasya Na tayong dalawa ay maghiwalay na Sa langit ay hahanapin parin kita At doon muling susubok nang magkasama Ngunit habang naandito ka pa Hayaan mo lang na mahalin kita Dahil kung aalisin ang mga walang kasig...

Tanging Pakiusap

Iibigin kang palaging Tunay at tapat, Obra maestrang tabing 'Yong aking ilalapat. Patutunguhan ma'y hindi sigurado, Aabante pa rin patungo sa iyo. Rurok man ng hirap ang ika'y matanto, Aantayin kong magpanagpo tayo. Susuungin ko ang lahat, Araw man o gabi. 'Yong gantimpala ba'y sapat? Oras lang ang magsasabi. Kahit sandali, ako ay lingunin Ibig ko lamang na iyong damhin. Kunwari man lang sanang puso ko'y pansinin O di kaya nama'y sadyang totohanin.

Paglisan

Yakaping mahigpit At manatiling saglit Bago mawalang lahat ng kapit At sa'king piling ika'y mawaglit. Inialay nang lahat ng kaya Labis-labis na nga kung susumahin pa Subalit pangita sa'yong mga mata Ang pagkawala ng respeto at gana. Ngunit siguro'y minsan Mahirap din ngang punan Ang matagal nang walang laman O sa kahit kaila'y walang nanahan. Sadya yatang ang buhay Ang bukod-tanging patunay Na may dumarating nga'y Mayroon pa ring hihimlay Tunay na ngang pagal Sa paghintay nang kay tagal Walang nagawa ang mga dasal Sinaulo man at inaral Una palang, akin nang alam Ang hahantunga'y pamamaalam Sa sintang inasam, Sa mga sandaling hiniram. Ikaw ay akin nang lilisanin Paalam sa maaamo mong tingin Sa pagsuyo mong bitin Na kaysa wala ay inam na rin.

Una, Ngayon, at Wakas

Dito magsimula kung saan nawala Ang bawat takot at mga pangamba. Dito magsimula kung saan natapos Ang dalamhating mula sa pagkakagapos. Dito mag-umpisa kung saan nagwakas Ang matatalim na salitang parating nabibigkas. Dito mag-umpisa kung saan naputol Ang mga pagdududa at maling hatol. Ngayon na nga natapos ang paghihikahos Kung kailan inumpisahang ako'y isaalang-alang Ngayon na nga nawala ang pagtataka Nang ako ay iyong lingunin at saka kinilala. At ngayon ay sigurado nang ang dulo Ang magiging hudyat ng pagbabago. At ang pinakatatanging umpisa Ay katapusan na ng pagdurusa. [080321  |  0327]