Skip to main content

Tanging Pakiusap

Iibigin kang palaging
Tunay at tapat,
Obra maestrang tabing
'Yong aking ilalapat.

Patutunguhan ma'y hindi sigurado,
Aabante pa rin patungo sa iyo.
Rurok man ng hirap ang ika'y matanto,
Aantayin kong magpanagpo tayo.

Susuungin ko ang lahat,
Araw man o gabi.
'Yong gantimpala ba'y sapat?
Oras lang ang magsasabi.

Kahit sandali, ako ay lingunin
Ibig ko lamang na iyong damhin.
Kunwari man lang sanang puso ko'y pansinin
O di kaya nama'y sadyang totohanin.

Comments

Popular posts from this blog

Pabaon...

Sa dinami-rami na ng dumaan           At sa ilan pang darating Ikaw ang higit na matimbang           Ang sa huli'y nais kapiling. {120621 | 0120 | CXC}

AUTUMN

Yellow leaf, orange, and gold Now is weak, once was bold Suddenly brittle, suddenly old Unwanted and failing No more waiting No more, no mas, not anymore No more, nada , now is falling Once was patient, finally got tired Of trying to hold on, of trying to stay wired.

Palagi

Minamahal kita sa paraang alam kong tama Pero kung may suhestiyon ka'y wag mahiyang magsalita At gagawan ko ng paraan Dahil kapag sayo, lahat na ay malinaw Sa daang madilim, ikaw lagi ang ilaw Sa mundong magulo, ikaw lang ang kalmado. At sa buhay na duda ang naghahari May isang ikaw na parating nagsasabi Na anuman ang mangyari'y Nand'yan ka palagi. {022422 | For 032722 6th | CXC}