Yakaping mahigpit
At manatiling saglit
Bago mawalang lahat ng kapit
At sa'king piling ika'y mawaglit.
Inialay nang lahat ng kaya
Labis-labis na nga kung susumahin pa
Subalit pangita sa'yong mga mata
Ang pagkawala ng respeto at gana.
Ngunit siguro'y minsan
Mahirap din ngang punan
Ang matagal nang walang laman
O sa kahit kaila'y walang nanahan.
Sadya yatang ang buhay
Ang bukod-tanging patunay
Na may dumarating nga'y
Mayroon pa ring hihimlay
Tunay na ngang pagal
Sa paghintay nang kay tagal
Walang nagawa ang mga dasal
Sinaulo man at inaral
Una palang, akin nang alam
Ang hahantunga'y pamamaalam
Sa sintang inasam,
Sa mga sandaling hiniram.
Ikaw ay akin nang lilisanin
Paalam sa maaamo mong tingin
Sa pagsuyo mong bitin
Na kaysa wala ay inam na rin.
Comments
Post a Comment