Skip to main content

PARA KAY PIDO

Una palang naramdaman ko na

Isang tingin ko palang tunay nang nabasa:

Ikaw ang hantungan at pupuntahan

Ng puso kong ligaw na matagal walang nanahan.


At isang araw, dumating ka na nga

Naulit bukas at mga gabing sumunod pa

Ako ay humanga din nga naman

Pilitin mang pigilan ay lalong nasundan.


Lumalim nang lumalim ang pagsinta

Hindi natin namalayang nagtatagal na pala

Ang dating mga lihim ay nakaya nang banggitin

Mga plano at pasya'y nagsimula nang buuin


Inilahad ang mga bilin at pangako

Na walang kakalas sa pinasok nating ito

Ang totoong damdami'y pilit tinanto

Inusisang mabuti, tunay na sinigurado


Sa harap ng Diyos at ng mga tao

Akong nangako nang buong puso

Na walang kahit na ano o sino

Ang makapaghihiwalay sa akin mula sa'yo


Ngunit kung Maykapal na ang s'yang magpasya

Na tayong dalawa ay maghiwalay na

Sa langit ay hahanapin parin kita

At doon muling susubok nang magkasama


Ngunit habang naandito ka pa

Hayaan mo lang na mahalin kita

Dahil kung aalisin ang mga walang kasiguraduhan

Ikaw na ang nais makapiling magpakailanman.



{ 120521 | 0246 | CXC}

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Teatrong Totoo

 Ikaw lamang magmula sa unang hakbang ng dalisay na sayaw, pati na sa nota ng huling tipa ng musika, at sa bawat yugtong namagitan dito. Handa! Galaw. Awit. -CXC {260623 | 0111}

SIGAW NG ISANG MILENYAL: HALINA'T PAKINGGAN!

A reminder from "us" to our parents. . . We appreciate what you do for us but please be sensitive enough to our emotions.  We know that almost every single thing you do is for our own good but TRUST US (yep, that won't hurt sometimes, will it?), like you, we also get hurt, tired, and burdened.  We also get hot-headed due to our OWN PERSONAL PROBLEMS.  And unfortunately, we also have hormonal imbalances.  IN SHORT, WE HAVE THIS THING CALLED "FEELINGS". Recall those times when you ask us to understand you whenever you're in the middle of those circumstances I mentioned earlier and consequently, you just expect us to be considerate enough to adjust to your needs and demands that somehow require us to exert extra effort, in one way or another. HONESTLY, WE DON'T HAVE A PROBLEM WITH THAT, NOT EVEN A TEENY, TINY ONE.  What we're trying to say is that we, including you and the whole mankind, can only imagine what other people are thinking and fe...

ULAN

Oh kay raming araw ang lumipas Oh ang bawat sandaling kumalas Na dapat sana'y sa atin pa rin Akalain mong nilipad pa ng hangin Mismong araw nang aking alamin Ang tunay kong pagtingin Na sa iyo pala'y inihain May kasama ng lamat at galit Iniwasan man ay sadyang naiipit Sumablay man minsan sa ipinipilit Suma total ay ganoon pa rin ang iginigiit Kaya't kung babalikan ko man Ikaw na naghahanap ng kasagutan Taguan man ng katotohanan Ay tiyak pa ring magkakaalaman