Skip to main content

Posts

PITO

Ika-pitong segundo Mula nang pumasok ka sa buhay ko, Hagikgikang maigi Kwentuha't mga padali. Ika-pitong minuto Mula nang pumasok ka sa buhay ko, Iba-ibang katuwaan Sari-sari ang napag-usapan. Ika-pitong oras Mula nang ang pinto ko'y magbukas Yakap ay mahigpit Walang bumibitaw sa kapit. Ika-pitong araw Mula nang ikaw ay dumalaw Ikaw ang gumabay Habang ako'y malungkot at matamlay. Ika-pitong linggo Mula nang ating matanto Na tunay na ang damdamin Ikaw lang ang nais kapiling. Ika-pitong buwan Mula nang magmahalan May di man maiwasang sakit Yakap pari'y mahigpit. Ika-pitong taon Mula nang ako'y matunton Siguradong ikaw parin Ang laging mamahalin Ika-pitong susunod na buhay Simula nang hapong tumagay Pipiliin lagi ay ikaw Sayo laging nakatanaw. Hanggang pitong salinlahi, Hinding-hindi mapapawi Pitong libong pag-ibig Hinding-hindi padadaig. {CXC | c2140.092721 }

Kumpas

Lirikong di tapos Notang kapos Tiempong palyado Tonong sintunado. Pagsintang nabitin Sino ang salarin? Pag-ibig na kinulang Pusong nag-aabang. Salitang matalas Bintang na wagas Di matutong magbago Palaging nagtatago. Sikretong mabubunyag Kamay na maluwag Pangakong hinangin Naglahong pagtingin. {240422 | CXC}

Para Kay Pido, Part 2

Yayakapin kang palagi sa twina Hindi dahil sa ginaw Kundi dahil araw-araw Ikaw lang ang laging sinisinta. Halik ang laging pasalubong Sa mga pisngi mo Hindi lang dahil gusto ko Kundi sa pag-asang sa altar hahantong. Palaging sasambiting mahal ka Hindi dahil nasanay Kundi para ialay Ang pag-ibig na iyo talaga. -J

Palagi

Minamahal kita sa paraang alam kong tama Pero kung may suhestiyon ka'y wag mahiyang magsalita At gagawan ko ng paraan Dahil kapag sayo, lahat na ay malinaw Sa daang madilim, ikaw lagi ang ilaw Sa mundong magulo, ikaw lang ang kalmado. At sa buhay na duda ang naghahari May isang ikaw na parating nagsasabi Na anuman ang mangyari'y Nand'yan ka palagi. {022422 | For 032722 6th | CXC}

A Confession of Emotions

Weary and wary Dying of crying Try, deny Lies and goodbyes. Tactful yet hurtful Fed-up of catching up Saddened, hardened Half-hearted, nothing imparted Broken and stolen Nailed, impaled. Unnoticed, abolished Killed then sealed Not of kisses nor embraces Shockingly, surprisingly, But of silence and absence. Lacking resilience Untrusting. No healing. Bother to hover Over security and clarity Or gather whatever Is left for the theft? Churn the taciturn. Scare the unaware. Cling to the forgiving. Favor the requestor. Boast your fervor, Roasted in terror.

The Colors You Bring

You're purple-orange skies, The twinkle in my eyes, The fluffiest whipped cream, The happiest sunbeam. You're the warmth of a campfire, The cool breeze we desire. You're the sweetest treat, The most-awaited summer heat. My only red in Valentine's. My only gold in Christmas. The only green twigs and twine For every season of mine. {021722 | 2146 | CXC}

Fed-Up = FU's

If I die, then nobody's upset at anybody anymore. It's funny how inlove you could be at one moment, and so cold at the next. No, this is not a story of betrayal or dishonesty. It's about prisons and cages and insensitivity. {222 | CXC}