Skip to main content

PATULAN

Patulan. Sana'y patulan
Ang pusong nanahan
Na sa iyo kailanman
Ay hindi nagkulang.

Patulan mo naman
Bawat pangangailangan
Nang hindi na maghabulan
Di na mag bulag-bulagan

Akong dating kasintahan
Nawa'y hayaan
Sa tanging kahilingang
Pawiin ang kalungkutan

Oras ako'y iyong bigyan
Wag sanang pagkaitan
Iyong dating tampuhan
Ng sintang walang hanggan

Kung ito ang kalagayan
Na makamit ang kalayaan
Ay hindi na lamang
Aasam pa ng katiwasayan

Minsan ang kaginhawahan
Ay mapait na larawan
Sadyang di maintindihan
Ang takbo ng kapalaran

Hindi ko na nasundan
Ang nais na ipaalam
Ang tanging punto lang
Ikaw ay mapagsabihan

Nang manalo ako sa hulaan
Ay di na maparaanan
Na ikaw pa'y pagkatiwalaan
At mahalin nang walang hanggan

Ako na lumaban
Para sa pagmamahalan
Bakit ako ang nawalan
At ikaw pa ang pinanghinaan

Patuloy mo mang saktan
Patuloy ako sa katangahan
Na kahit kunwa-kunwarian
Ay muli mong papatulan.

Comments

Popular posts from this blog

Walong buwan na ang nagdaan Nang ang isa't isa'y matagpuan. Nagkapakiramdaman, Iba na pala ang tinginan, Salitaang may laman. Minsan masaya, minsan magulo. Minsa'y kailangan manuyo. May sigawan man o tampo, Nakararaos kahit papaano, Palagi pa ring kuntento. Sabi nila'y "H'wag ka-seryoso, Iilang buwan pa lamang kayo. Madali pa ang mga ito Kumpara sa relasyong totoo." Ngunit sinong may sabing 'di tunay 'to? Kahit na anong iksi Hindi masasabing madali Ang magtiwala at mamili Na dito ay manatili Subalit dito'y walang pagsisisi. Kaya't laging ang sagot Sa tanong na nahahakot "Hindi man tiyak ang aking madampot Asahan mong wala akong takot Dahil sya lang ang pumapawi ng aking lungkot." Tulad ng lagi mong sabi, Mahal din kita palagi. Habang ikaw pa ang nandito, Mahal kitang totoo. Hanggang sa dulo, ako'y sa'yo. {CXC P4 | 052722 | 2126H}

Una, Ngayon, at Wakas

Dito magsimula kung saan nawala Ang bawat takot at mga pangamba. Dito magsimula kung saan natapos Ang dalamhating mula sa pagkakagapos. Dito mag-umpisa kung saan nagwakas Ang matatalim na salitang parating nabibigkas. Dito mag-umpisa kung saan naputol Ang mga pagdududa at maling hatol. Ngayon na nga natapos ang paghihikahos Kung kailan inumpisahang ako'y isaalang-alang Ngayon na nga nawala ang pagtataka Nang ako ay iyong lingunin at saka kinilala. At ngayon ay sigurado nang ang dulo Ang magiging hudyat ng pagbabago. At ang pinakatatanging umpisa Ay katapusan na ng pagdurusa. [080321  |  0327]

Paglisan

Yakaping mahigpit At manatiling saglit Bago mawalang lahat ng kapit At sa'king piling ika'y mawaglit. Inialay nang lahat ng kaya Labis-labis na nga kung susumahin pa Subalit pangita sa'yong mga mata Ang pagkawala ng respeto at gana. Ngunit siguro'y minsan Mahirap din ngang punan Ang matagal nang walang laman O sa kahit kaila'y walang nanahan. Sadya yatang ang buhay Ang bukod-tanging patunay Na may dumarating nga'y Mayroon pa ring hihimlay Tunay na ngang pagal Sa paghintay nang kay tagal Walang nagawa ang mga dasal Sinaulo man at inaral Una palang, akin nang alam Ang hahantunga'y pamamaalam Sa sintang inasam, Sa mga sandaling hiniram. Ikaw ay akin nang lilisanin Paalam sa maaamo mong tingin Sa pagsuyo mong bitin Na kaysa wala ay inam na rin.