Skip to main content

Posts

Huling Salita

At ngayon sa harap Ng mapang-abusong madla Papanaw ang batang Tila matagal na tumula Ng masasakit na linyang Puno ng matatalas na salita Ang dalagang minsan Dahil sa inyo'y lumuha At nagpakabuting tunay Para sa inyong tuwa

"To Some Of The Boys I've Loved Before"

Salamat sa'yo. Maraming salamat. Sa bawat tingin Na may halong pandidiri Sa bawat pag-iwas Tila may sakit na nakahahawa Sa bawat pangungutya At masasakit na salita Sa iyong mga titig Na matalas at irita Ang bawat pagngibit mo Sa tuwing magsasalita ako Salamat sa pamamahiya Sa tuwing naglalambing sayo Salamat dating minamahal Sa'yong pagiging mapanakit Sa'yong pagbalewala Sa aking pagsinta Maraming salamat Dating iniirog Dahil sa sugatang pusong ito Ako ay lubhang natuto Salamat. Sayo'y lubusang nagpapasalamat.

ULAN

Oh kay raming araw ang lumipas Oh ang bawat sandaling kumalas Na dapat sana'y sa atin pa rin Akalain mong nilipad pa ng hangin Mismong araw nang aking alamin Ang tunay kong pagtingin Na sa iyo pala'y inihain May kasama ng lamat at galit Iniwasan man ay sadyang naiipit Sumablay man minsan sa ipinipilit Suma total ay ganoon pa rin ang iginigiit Kaya't kung babalikan ko man Ikaw na naghahanap ng kasagutan Taguan man ng katotohanan Ay tiyak pa ring magkakaalaman

TAHAN

Halika sinta, lumapit ka Ipakikita ko sayo ang tunay na ligaya Wag mag-alinlangan, wag mahiya Sa mainit na yakap, babalutin ka tuwina Tahan sinta, sinta tahan Pawiin nang agad, mga luhang nasayang Hinagpis ng kahapo'y tuluyan nang bitawan Harapin na ang bukas na buo ang kalooban Aking sinta, lagi mong tandaan Ano man ang mangyari, kahit kailan Iwan ka man ng karamihan Mananatili ako sa tabi mo lamang Saktan ka man nila Dito'y iibigin ka lang talaga Isang pagmamahal na walang kapantay Sunod sa Maykapal at sadyang tunay Ayawan mo man ako at ipagtabuyan Patuloy paring ika'y aasahan Magbabakasakaling iyong lalapitan At pagmamahalan parin ang ating hahantungan Ngunit kung di man ako ang kasama mo sa dulo Mawalan man ng pag-asa ang "tayo" Tapat pa rin ako sa aking pangakong Basta't masaya ka'y masaya na rin ako. Kaya't sinta, tahan na Panahon na upang tuyuin ang mga luha Kaya't sinta, ikaw'y tumahan na Lagi lang akong...

PATULAN

Patulan. Sana'y patulan Ang pusong nanahan Na sa iyo kailanman Ay hindi nagkulang. Patulan mo naman Bawat pangangailangan Nang hindi na maghabulan Di na mag bulag-bulagan Akong dating kasintahan Nawa'y hayaan Sa tanging kahilingang Pawiin ang kalungkutan Oras ako'y iyong bigyan Wag sanang pagkaitan Iyong dating tampuhan Ng sintang walang hanggan Kung ito ang kalagayan Na makamit ang kalayaan Ay hindi na lamang Aasam pa ng katiwasayan Minsan ang kaginhawahan Ay mapait na larawan Sadyang di maintindihan Ang takbo ng kapalaran Hindi ko na nasundan Ang nais na ipaalam Ang tanging punto lang Ikaw ay mapagsabihan Nang manalo ako sa hulaan Ay di na maparaanan Na ikaw pa'y pagkatiwalaan At mahalin nang walang hanggan Ako na lumaban Para sa pagmamahalan Bakit ako ang nawalan At ikaw pa ang pinanghinaan Patuloy mo mang saktan Patuloy ako sa katangahan Na kahit kunwa-kunwarian Ay muli mong papatulan.

AUTUMN

Yellow leaf, orange, and gold Now is weak, once was bold Suddenly brittle, suddenly old Unwanted and failing No more waiting No more, no mas, not anymore No more, nada , now is falling Once was patient, finally got tired Of trying to hold on, of trying to stay wired.

Reawakening

Somewhere deep inside Is a dormant love It's there, it exists Though haven't been awaken yet Sometimes it's hard To know if it's already gone Or just resting In the bosom of your heart A little touch from your lips A tiny glimpse A slight signing Can revive that sleeping feeling How can you handle A long lost love When it has been awaken From it's long term slumber? What is the assurance That the surge of emotions Is still those genuine, Legitimate feelings from the past I wish that the universe conspire To whatever my heart wishes I hope that the stars Align and grant them I hope that you come back And wake me up As well as the passion We left behind us