Skip to main content

"To Some Of The Boys I've Loved Before"

Salamat sa'yo. Maraming salamat.

Sa bawat tingin
Na may halong pandidiri
Sa bawat pag-iwas
Tila may sakit na nakahahawa

Sa bawat pangungutya
At masasakit na salita
Sa iyong mga titig
Na matalas at irita

Ang bawat pagngibit mo
Sa tuwing magsasalita ako
Salamat sa pamamahiya
Sa tuwing naglalambing sayo

Salamat dating minamahal
Sa'yong pagiging mapanakit
Sa'yong pagbalewala
Sa aking pagsinta

Maraming salamat
Dating iniirog
Dahil sa sugatang pusong ito
Ako ay lubhang natuto

Salamat. Sayo'y lubusang nagpapasalamat.

Comments

Popular posts from this blog

Pabaon...

Sa dinami-rami na ng dumaan           At sa ilan pang darating Ikaw ang higit na matimbang           Ang sa huli'y nais kapiling. {120621 | 0120 | CXC}

AUTUMN

Yellow leaf, orange, and gold Now is weak, once was bold Suddenly brittle, suddenly old Unwanted and failing No more waiting No more, no mas, not anymore No more, nada , now is falling Once was patient, finally got tired Of trying to hold on, of trying to stay wired.

Para Kay Pido, Part 3

Malalim na ang sisid Tahimik ang paligid Umaga na ngunit Dilim ay di pa rin punit Sana'y kayang hilumin Ng kape ang damdamin Na lubhang nasasaktan At tila walang masandalan. Sana'y mayakap ka Kahit malayo ka pa Madarama kaya ang halik Pag-asa ba'y manunumbalik? {CXC | 050322 0712H}