Halika sinta, lumapit ka Ipakikita ko sayo ang tunay na ligaya Wag mag-alinlangan, wag mahiya Sa mainit na yakap, babalutin ka tuwina Tahan sinta, sinta tahan Pawiin nang agad, mga luhang nasayang Hinagpis ng kahapo'y tuluyan nang bitawan Harapin na ang bukas na buo ang kalooban Aking sinta, lagi mong tandaan Ano man ang mangyari, kahit kailan Iwan ka man ng karamihan Mananatili ako sa tabi mo lamang Saktan ka man nila Dito'y iibigin ka lang talaga Isang pagmamahal na walang kapantay Sunod sa Maykapal at sadyang tunay Ayawan mo man ako at ipagtabuyan Patuloy paring ika'y aasahan Magbabakasakaling iyong lalapitan At pagmamahalan parin ang ating hahantungan Ngunit kung di man ako ang kasama mo sa dulo Mawalan man ng pag-asa ang "tayo" Tapat pa rin ako sa aking pangakong Basta't masaya ka'y masaya na rin ako. Kaya't sinta, tahan na Panahon na upang tuyuin ang mga luha Kaya't sinta, ikaw'y tumahan na Lagi lang akong