Skip to main content

Posts

Showing posts from February, 2022

TAHANAN

Nang ika'y matagpuan "Tayo" ang naging libangan, Sarili ko'y hinayaang Sayo'y may maramdaman. Binigyang kahulugan At saka kinulayan Buhay na tampulan Ng mga kamalasan. Siyang naging sumbungan Tinatanging sumpungan Nag-iisang takbuhan Laging nariyan. Pamilya, kaibigan Kahit saan, kahit kailan Nililiyag na kasintahan Bukod tanging tahanan. {122621 | 2002 | CXC}

PARA KAY PIDO

Una palang naramdaman ko na Isang tingin ko palang tunay nang nabasa: Ikaw ang hantungan at pupuntahan Ng puso kong ligaw na matagal walang nanahan. At isang araw, dumating ka na nga Naulit bukas at mga gabing sumunod pa Ako ay humanga din nga naman Pilitin mang pigilan ay lalong nasundan. Lumalim nang lumalim ang pagsinta Hindi natin namalayang nagtatagal na pala Ang dating mga lihim ay nakaya nang banggitin Mga plano at pasya'y nagsimula nang buuin Inilahad ang mga bilin at pangako Na walang kakalas sa pinasok nating ito Ang totoong damdami'y pilit tinanto Inusisang mabuti, tunay na sinigurado Sa harap ng Diyos at ng mga tao Akong nangako nang buong puso Na walang kahit na ano o sino Ang makapaghihiwalay sa akin mula sa'yo Ngunit kung Maykapal na ang s'yang magpasya Na tayong dalawa ay maghiwalay na Sa langit ay hahanapin parin kita At doon muling susubok nang magkasama Ngunit habang naandito ka pa Hayaan mo lang na mahalin kita Dahil kung aalisin ang mga walang kasig