Sa araw-araw na tayo'y magkasama Isang libo't isang daang pangako't salita Sa bawat pagbigkas ng labi mong matatas Ay kaakibat ang pag-usbong ng pag-asa ko pataas. Habang tumatagal ay naiipon na Ang mga sinabi mong gagawin natin tuwina. Ngunit ilan sa mga iyon ang natupad mo na? 'Sindami ng buto ngunit sa daliri'y bilang na. "Ako'y laging nand'yan" ang madalas mong sambit Ngunit bakit laging may paumanhing nakasabit? Bakit sa tuwing sinasabing handa ka nang makinig Sa atensyon mo pari'y laging may kahati? Patawad kung ngayon ako'y nanlalamig Nawala na ang dating mainit na pag-ibig Ang inakala ko kasing matamis na himig Ay isa na palang pagsintang sa luha'y tigib. Kung maaari lang na ako'y umatras Sa relasyong itong nakasisira ng lakas. Ngunit diba ito ay hindi lamang isang larong marahas Kundi isang pagmamahalang kailangan ng simpatiya at oras. Tama pa bang manatili ako rito? Masaya pa nga ba ako o guni-gun