Isang araw nang ako'y magising Mula sa pagtulog na mahimbing Alam kong ika'y tahimik pa ring Kunwari'y nagmamahal pa sa'kin. Bumaling ako't humarap sa'yo Tinitigan kita't sinaulo Sa pagkurap ng mga mata ko'y Biglang nabuhay ang diwa mo. Matagal, malalim, walang maliw Sa'ting tingina'y walang bumali. Aking napagmasdan at nasuri Na sa mata mo'y wala nang aliw. Gusto ko nang bumango't tumayo Mula sa pagkakahigang ito. Sobra nang lahat ng sakripisyo. Ano ba't ngayon lang napagtanto? Ngunit kasabay ng aking bwelo Ay ang pagkapit mo sa kamay ko. Tila mas lumalim ang tingin mo Sa aking mata at pagkatao. Hinila mo akong pabalik Kahit pa ayoko nang lumapit. Sa pisngi ko'y pinilit humalik. Ulo'y sa balikat ko dinikit. Mga mata ko'y aking 'pinikit Inalala ko ang bawat saglit No'ng ang mga yakap pa'y mainit At hindi nalang yung tipong pilit. Subalit ang